top of page

Interagency Consutlation Gab on Housing


Pinangunahan ni Governor Ramil Hernandez ang isinagawang Inter-agency Consultation Seminar on Housing Program sa pakikipag-ugnayan ng PUDHO o' Provincial Urban and Housing Office na ginanap sa Bukid Garden Resort San Pablo City.


Layunin ng programang pabahay ang magkaroon ng murang matitirahan ang bawat Lagunense.


Tinalakay dito ang PNR Abandoned/Live Lines at Mga bagong Patakaran at Regulasyon para sa Home Owners Association/Magna Carta. Kasama dito ang HUDCC (The Housing and Urban Development Coordinating Council) sa pangunguna ni Nico Aceveda, Alvid Reyes at Mary Ann Policarpio at HLURB o (Housing and Land Use Regulatory Board) na pinangunahan naman ni Louie Odiamar.


Dinaluhan ito ng 100 Lagunense kasama ang 38 na Community Association mula sa Ikatlong Distrito. Nagkaroon ng konsultasyon at bukas na pag-uusap sa bawat panig at nabigyan linaw ang mga bagay na dapat pag-usapan.. Maraming salamat sa PUDHO dahil sa pagsasakatuparan ng konsultasyon na ito ganun din sa HUDCC at HLURB.


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Social Icon
bottom of page