top of page

"Isinilang ako buhat sa isang simple ngunit masayang pamilya.  Ang aking ama ay dating chairman ng aming munting barangay, kaya't bata pa ako'y namulat na sa paglilingkod publiko. Dati rin akong working student at danas ko ang kahirapan ng kawalan sa paghahanda sa kinabukasan. Hindi ko gustong maranasan ng aking mga kalalawigan ang aking dinanas, lalo na ang mga kabataan.  Nais ko silang bigyan ng maalwan at masaganang pamumuhay. Magagawa natin ang Lalawigan ng Laguna na isang kaaya-ayang lalawigang ating paninirahan sa pamamgitan ng pagkaka-isa, pagharap at paglutas sa mga isyung sanhi ng kahirapan, kawalan ng kaayusan, at kapayapaan..     

MGA ISYU

EDUKASYON
Una sa lahat ay edukasyon. Kailangang ihanda ang bawat henerasyon sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Matulin ang pagsulong ng teknolohiya na nagpapa-inog sa industriya at nagdidikta ng kaunlarang pang-ekonomiya ng bawat bansa at pamumuhay ng mamamayan nito. Kailangan nating mai-ugma ang karunungan ng mamamayan sa makabagong panahon. Humihingi ito ng tuwi-tuwinang reporma sa edukasyon upang ating matustusan ang kaalamang kinakailangan ng matuling pagsulong ng teknolohuya. 
PABAHAY
Pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya ang isang tahanan.  Habang umuunlad ang ekonomiya ng lalawigan, humahatak ito ng ibang suliranin, katulad ng migrasyon, at 'di mapigil na paglago ng populasyon. Kaalinsabay nito ay ang matinding pangangailangan ng pabahay. Kailangan ng lalawigan ang isang sustinableng programa sa pabahay na magkakaloob sa bawat mamamayan ng maipagmamalaking tahanang abot kaya ng bawat pamilya.  Makakatulong ang pakikipag-partner ng lalawigan sa mga pribadong kumpanya na sangkot sa real estate development, negosyong pabahay, konstruksiyon at tustos pananalapi, at gayun din sa mga makapagkakaloob ng bagong teknolohiya at sistemang magpapababa ng halaga ng paggawa ng bahay.         
PANGKALAHATANG KALUSUGAN
Ang pangkalahatang kalusugan ay tuumutukoy sa sining at agham na humahadlang sa karamdaman, nagpapahaba ng buhay at nagsusulong ng kalusugan sa pamamagitan ng organisadong pagkilos at matalinong pagsusuri.  Katulong ng pamahalaan ang mga pampubliko at pribadong organisasyon, komunidad at indibidwal.  Nakatuon ito sa mga bantang pangkalusugan ayon sa pagsusuri sa kalusugan ng populasyon.  Sinasakop ng pangkalahatang kalusugan ang  pagsupil ng epidemya, biostatistics at serbisyong pangkalusugan, pangkapaligirang kalusugan, kalusugan ng komunidad, asal kalusugan, kalusugang ekonomiko, pampublikong patakaran, seguro, gamot, kaligtasan sa trabaho, at iba pang mahalagang paksa sa kalusugan. ng mamamayan.
KAPALIGIRAN
Kinakailangang pagtibayin ng lalawigan ang programa nito sa pamamahala ng kapaligiran  at pangkalahatang layunin sa pagbabawas ng mga negatibong epektong sumasalaula sa hangin, tubig, at kagubatan, Kailangan din ang malawakang pagsusulong ng pagtitipid sa paggamit ng elektrisidad at pagsusulong ng malawakang paggamit ng renewable energy. Nararapat ding isulong ng lalawigan ang pagamit ng mga recycled materials, energy efficient machineries, mga behikulong maaring gumamit ng mura at alternatibong enerhiya at bio-based products.          
KABUHAYAN
Ang mga programang pangkabuhayan ay ganap na nagsasangkot sa mga taong nagnanais paunlarin ang sariling kabuhayan.  Batay ito sa mga prayoridad at layuning sila mismo ang tumukoy na sumusuporta sa sariling pangkabuhayang istratehiya. Itinatatag ito sa lakas ng mamamayan at .  kumakatawan sa mga kasanayan, kaalaman, edukasyon, at kakayahan na nagtutulak sa mamamayan na magkaroon ng maunlad na kabuhayan at masiglang kalusugan. Binibigyang inspirasyon nito ang tao na paganahin ang sariling kasanayan at ituloy ang iba't ibang mga istratehiya at makamit ang kanilang mga layuning pangkabuhayan.
bottom of page