top of page

MAKILAHOK

Maging mahalagang bahagi ng kilos kaunlaran ng Lalawigan ng Laguna.
 
Umanib sa Advocacy for

Reform And Mutuality In Laguna

i-add ang inyong mga friends sa Group Page nito sa Facebook

 

Pagtulong-tulungan nating imulat ang ating kalalawigan sa tamang pagpili ng kandidato.

 

 

Maraming paraan upang mapagtulong-tulungan nating makamit ang

tagumpay ni Gob Ramil Hernandez

upang kanyang maisulong ang hinahangad niyang kaunlaran ng

kabuhayan, industriya, pagsasaka at pangkalahatang kalusugan

sa Lalawigan ng Laguna.

Ipaalam sa lahat ang mahusay na panunungkulan ni Gob. Ramil

     Matutulungan natin si Gob. Ramil Hernandez na maipaabot sa ating mga kalalawigan ang kanyang mahusay na pamamahala sa pa- mamagitan ng ating  pagpapa-abot nito sa ating mga kaibigan, ka- pitbahay, kasama sa trabaho at iba pang mamamayan na salat sa im- pormasyon tungkol sa nagaganap sa Pamahalaang Panglalawigan.  Sa ganitong paraan  nakatulong na rin tayong matupad ang adhikain nii Gob. Ramil Hernandez na gawin ang Lalawigan ng Laguna na ta- hanan ng matutuwid na mama- mayang namumuhay ng masa- gana at mapayapa buhat sa sa- riling pagsisikap. 

    

     Si Gob. Ramil Hernandez ay may mga lathalaing ipinama- mahagi.  Tungkol ito sa kanyang mga katangian, karanasan at mga programang kanyang nais ipatupad para sa kapakanan ng lalawigan.at mamamayan.  Maging isang boluntir.  Tumulong sa pamama- hagi nito .

Dumalo sa mga pulong at suriin ang mga isyu,

    Si Gob. Ramil Hernandez kasama ang iba pang kandidato sa pagka- bise-gobernador at mga bocal ay ag-iikot sa buong lalawigan at mag- daraos ng mga caucus, asembliya at mga pagpupulong. Makinig sa pulong at suriing mabuti ang mga isyu..  Masusukat natin dito ang kaaalaman ng mga kandidato at ng kanilang kakayanang magampanan ang mga hinahangad ng mama- mayang makamit sa pamamagitan ng kanilang matapat na paglilingkod.

 

  Marami pa tayong mga kalalawigan na hindi nakakaalam ng kahalagahan ng halalan at kung papaano gamitin ang ating kara- patang bumoto.  Tulungan silang mamulat sa kahalagahan nito.  ipa- liwanag sa kanila kung papaano ito makaka-apekto sa ating pamu- muhay.  Himukin silang piliing mabutii ang  ihahalal. Ipaalam sa kanila ang negatibong epekto ng maling pagpili ng kandidato. Huwag hayaang matukso silang ipagbili ang kanilang mga boto.  Ang sandaling kaligayahan ay hindi katumbas ng magandang kinabukasan.

Makilahok sa mga caucus, assembly at rally-Maki-isa!

  Makilahok sa mga caucus, ase- mbliya at mga pulong na gaganapin sa inyong mga barangay, muni- sipalidad o' lungsod.  Makibahagi, ma- giing isang aktibong mamamayan na may malasakit sa tuwid na pamamahala ng gobyernong lokal.  Hikayatin ang ibang makibahagi. Ipaalam sa iba na katungkulan nating mga mamamayan  ang palkikilahok sa mga aktibidad na tulad nito. 

    Ang mga caucus ay 'di lamang magbibigay sa inyo ng pagkakataong makilala ng personal ang mga kandidatong nagnanais maglingkod.  Magbibigay din ito sa iyo ng pagkakataong magtanong at ihatid ang iyong sariling pananaw at opinyon tungkol sa maayos na pamamahala ng bayan, lungsod at lalawigan.

 

   Bukod sa pagkakataong maibahagi ang iyong opinyon, mapalalawak din ng mga diskusyon ang iyong kaalaman tungkol sa pamahalaang lokal at iba pang kapakipakinabang na impormasyon na maaari mong gamitin sa iyong pangaraw-araw na pamumuhay.   

bottom of page