Calamba Best City Police Station
Calamba, Laguna – Ginawaran ng isa sa pinaka mataas na pagkilala ng kahusayan sa pag tupad ng tungkulin ang Calamba City Police Station sa pamumuno ni PSUPT Fernando Ortega bilang CALAMBA CITY BEST POLICE STATION sa ginanap na 25th PNP Foundation Day sa Regional Headquarters, Camp Vicente Lim, Mayapa, Calamba City na ang Guest Speaker ay si Hon. Feliciano Belmonte Jr. kasama si PCSUPT Richard Albano, Regional Director noong January 30, 2016.
Ang nasabing award ay bunga sa pag papatupad ng OPLAN LAMBAT SIBAT. Programa upang masugpo ang krimen sa isang syudad maging ang pagsugpo sa pag laganap ng ipinag babawal na droga.
Sa Flag Raising ceremony ng Lungsod ay iniabot ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco kasama si Hon. Roseller H. Rizal, Vice Mayor at mga myembro ng Sangguniang Panglunsod na may pagmamalaki kay PSUPT Fernando Ortega ang Plaque of Recognition.
Sa mensahe ni Col. Ortega sa ginanap na Peace Covenant signing for 2016 National and Local election para sa pag suporta sa secure and fair and safe election, ipinangako nito kay Mayor Chipeco ang suporta para sa tahimik, mapayapa at ligtas ang lahat ng mga mamamayan sa darating na halalan sa buwan ng Mayo 2016. Ipinagmalaki nito ang napaka babang incident rate sa syudad ng Calamba in relation of election related incident. Anya, bagamat walang katunggali si Mayor at Vice Mayor umaasa ito na maging mapayapa at tahimik ang halalan 2016. Bagkus hindi aatrasan ng kanilang responsibilidad at tungkulin sa mamamayan bilang pag tupad ng kanilang sinumpaang tungkulin upang makamit ang payapa at tahimik na election. Umaasa ang pamunuan ng Calamba PNP sa isang makabuluhan na pagsali sa Peace covenant. (Joel Cabactulan)